Pagluluto:Paksiw na Pata

Sangkap

baguhin
1 piraso pata (mga 1 kilo), hiniwa sa katamtamang laki
tubig
½ tasa suka
¼ tasa toyo
¼ tasa asukal na pula (brown sugar)
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta
1 dahon laurel
1 kutsara oregano
2 butil bawang, dinikdik
½ tasa tuyong bulaklak ng saging, pinalambot sa tubig

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Hugasan ang pata at ilagay sa kaserola.
  2. Lagyan ng sapat na tubig.
  3. Pakuluing minsan.
  4. Itapon ang unang pinagkuluan at magdagdag uli ng sapat na tubig.
  5. Idagdag ang suka, toyo, asukal na pula, paminta, laurel at bawang
  6. Pakuluan at hayaang lumambot ng husto at magsarsa ang sabaw.