Sangkap

baguhin
 
20 piraso tahong, binanlian
20 piraso halaan, binanlian
2 piraso alimasag, nilaga, at hinati sa dalawa
300 gramo hipon, nilaga at binalatan (mag-iwan ng 5 piraso na hindi binalatan)
¼ tasa mantika
½ kilo manok, hiniwa at bahagyang niluto
¼ kilo karne ng baboy, hiniwang katamtaman ang laki at bahagyang niluto
4 butil bawang, dinikdik
1 piraso katamtamang laki na sibuyas, tinadtad na pino
1 tasa tomato sauce
1 tasa siling pula (red bell pepper), hiniwang 2" ang pahaba
1 ½ tasa bigas, hinugasan
2 tasa sabaw ng manok
10 piraso abitsuelas, hiniwang 2" ang haba
1 kutsarita asin
1 kutsarita paminta
½ tasa gisantes (gren peas)
1 tasa mantika
2 piraso itlog, nilaga at hiniwa
1 piraso siling berde (green bell pepper), hiniwa
1 tali parsley
1 piraso lemon, hiniwa sa dalawa

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Sa malaking kawali, painitin ang mantika.
  2. Papulahin ang manok at karne ng baboy.
  3. Itabi sa isang gilid at igisa ang bawang at sibuyas.
  4. Ibuhos ang tomato sauce at siling pula.
  5. Haluin at hayaang maluto.
  6. Isama ang bigas at sabaw.
  7. Takpan at lutuin ang bigas sa mahinang apoy.
  8. Ipatong ang abitsuelas, halaan at tahong.
  9. Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa.
  10. Takpan at hayaang matuyuan ang kanin.
  11. Idagdag ang alimasag, hipon at gisantes.
  12. Magdagdag ng kaunting mantika.
  13. Isalin sa bandehado at adornohan ng hiniwang itlog, sili, parsley, at hipon (5 piraso).
  14. Pigain ang lemon sa ibabaw.