Pagluluto:Ox Tongue and Ham Casserole

Sangkap

baguhin
¼ tasa mantikilya
1 tasa tinadtad na sibuyas
½ tasa white wine
4 tasa brown sauce
1 kilo dila, pinalambot at hiniwang pakuwadrado
½ kilo smoked ham, hiniwang pakuwadrado
¾ tasa hiniwang pakuwadradong patatas
¾ tasa hiniwang pakuwadradong carrot
¾ tasa button mushroom
1 tasa sabaw na pinaglutuan ng dila
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta
¼ kutsarita basil
1 tasa cream
1/3 tasa gisantes


Paraan ng paghalo

baguhin
  1. Painitin ang mantikilya sa kaseroIa at igisa ang sibuyas.
  2. lsama ang white wine at lutuin ng 1 minuto.
  3. Isarna ang brown sauce, dila, hamon, patatas, carrot, mushroom at sabaw.
  4. lsalang hanggang lumambot ang mga gulay.
  5. Timplahan at idagdag ang basil, cream at gisantes.
  6. Hayaan lang uminit ngunit huwag pakuluin.