Sangkap

baguhin
1 kilo beef sirloin, hiniwang manipis at palapad
2 kutsara katas ng kalamansi
¼ tasa toyo
4 piraso vienna sausage, hiniwang pahaba
4 buo pickles, hiniwang pahaba
2 piraso nilagang itlog, hiniwang pahaba
½ maliit na kahon keso, hiniwang pahaba
1 piraso maliit na carrot, hiniwang pahaba
3 hiwa bacon
½ tasa mantika
2 kutsara arina
¼ tasa mantika
1 kutsarita tinadtad na bawang
1 tasa hiniwang sibuyas
1 tasa tomato sauce
3 piraso beef bouillon cube, tinunaw sa
3 tasa mainit na tubig
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Lamasin ang karne ng pinaghalong kalamansi at toyo.
  2. Ilatag sa tray at sa gitna ng karne, iayos ng pahaba ang sausage, pickles, itlog, keso, carrot at bacon.
  3. Igulong para sumara at talian ng pisi.
  4. Sa kawali, magpainit ng mantika.
  5. Igulong sa arina ang binilot na karne at papulahin sa mainit na mantika.
  6. Sa isang kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bawang at sibuyas.
  7. Ibuhos ang tomato sauce at sabaw ng baka.
  8. Timplahan.
  9. Pakuluin at pagkatapos ay ilagay ang karne.
  10. Takpan at pakuluan hanggang lumambot ng husto.
  11. Palamigin at saka hiwaing pabilog na ½ - 1" ang kapal.