Pagluluto:Minestrone with Ox Tripe

Minestrone with Ox Tripe

Sangkap

baguhin
½ kutsara olive oil
½ kutsara tinadtad na bawang
½ kutsara tinadtad na sibuyas
1 piraso kamatis, tinadtad
1 kutsara tomato paste
2 kutsara hiniwang pakuwadrado na carrot
2 kutsara hiniwang pakuwadrado na celery
2 kutsara hiniwang pakuwadrado na patatas
2 kutsara hiniwang pakuwadrado na repolyo
2 kutsara hiniwang leeks
8 tasa sabaw ng manok
¼ tasa pulang kidney beans, binabad magdamag
¼ tasa binaling hilaw na spaghetti noodles
½ tasa hiniwang lutong goto
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta
½ kutsarita basil
½ kutsarita oregano
1 piraso dahon ng laurel


Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Sa kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bawang.
  2. Papulahin at saka idagdag ang sibuyas, kamatis, tomato paste at mga gulay.
  3. Sangkutsahin at saka ibuhos ang sabaw ng manok.
  4. Isama ang beans at spaghetti.
  5. Pakuluin at pagkatapos ay hinaan ang apoy.
  6. Lutuin hanggang lumambot ang beans at spaghetti.
  7. Idagdag ang goto.
  8. Timplahan ayon sa panlasa.
  9. Isama ang basil, oregano at laurel.
  10. Isalang pa ng 5 minuto.