Pagluluto:Minatamis na saging
- 6 na pirasong saging na saba
- 1 tasang sago (maliliit)
- 1/4 tasang asukal (puti)
- 3 kutsarang minatamis na langka
- anis
- Lagain ang saging at sago sa isang tasang tubig sa loob ng 8 na minuto.
- Pag naluto na ang saging at sago, idagdag ang asukal at anis.
- Pakuluin hanggang lumapot at mabawasan ang sabaw.
- Kapag halos tuyo na ang sabaw nito, ilagay na ang hiniwang minatamis na langka at muling pakuluin ng dalawang minuto.
- Matapos ang dalawang minuto, maari na itong hanguin, palamigin at ihain.
- Maari rin itong lagyan ng yelo at gatas evaporada.