Pagluluto:Menudong Pata

Sangkap

baguhin
½ kilo pata
2 piraso sausage, hiwain
1 hiwang hamon, kudra-kudraduhin
2 kutsara mantika
2 kutsara paminton
2 tasa sabaw ng baboy
½ tasa kamatis
1 piraso sibuyas, tadtarin
2 piraso berdeng sili
1 dahon laurel
3 piraso butil na bawang
2 piraso kamatis
2 tasa garbanzos
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Linisin at ilaga ang pata sa tubig na may asin.
  2. Kung malambot na, ihiwalay sa mga buto ang laman.
  3. Igisa ang bawang, sibuyas, kamatis at sausage sa mainit na mantika.
  4. Ihalo ang paminton, berdeng sili, dahong laurel at pata.
  5. Isalin ang laman at garbanzos.
  6. Ipagpatuloy hanggang lumapot ang sarsa ayon sa ibig na lapot.
  7. Timplahan ng asin at paminta.