Sangkap

baguhin
1 kilo buong karne ng baka, hiniwang pakuwadrado
1 piraso laurel
1 maliit na lata tomato sauce
½ tasa suka
½ kutsarita asin pantimpla
½ kutsarita paminta pantimpla
6 piraso patatas, hinati sa dalawa
4 piraso sibuyas
¼ tasa pimiento
2 kutsara mantika

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Sa isang kaserola, ilagay ang karne, laurel, tomato sauce, suka, asin, paminta at sapat na tubig.
  2. Takpan at lutuin hanggang lumambot ang karne.
  3. Idagdag ang patatas, sibuyas at pimiento.
  4. Palambutin ang patatas.
  5. Hayaang matuyo nang bahagya ang sarsa.
  6. Idagdag ang mantika at haluhaluin.