Pagluluto:Mashed Potato

Sangkap

baguhin
4 piraso patatas (katamtamang laki)
1 maliit na lata gatas na evaporada
1 pakete krema
½ kutsarita asin
1 kutsarita asukal
cayenne pepper powder (kung mayroon)

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Pakuluan ng lubog sa tubig ang patatas.
  2. Hanguin ito at maingat na balatan.
  3. Durugin ang patatas sa isang mangkok.
  4. Ibuhos ang gatas.
  5. Kapag nahalo nang mabuti, idagdag ang krema.
  6. Timplahan ng asin, asukal at paminta ayon sa panlasa.
  7. Maari itong ihanda nang mag-isa o may mushroom sauce.