Pagluluto:Maruyang Saging

Sangkap

baguhin
6 piraso saging na saba
1 tasa arina
1 kutsara baking powder
3 kutsara asukal
2 kutsara atsuwete
3 tasa mantika

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Papulahin ang tubig sa pamamagitan ng katas ng atsuwete.
  2. Paghaluin ang arina, baking powder at asukal.
  3. Ibuhos nang unti-unti ang tubig na pinapula ng atsuwete. Habang ibinubuhos ay haluin upang magpantay ang pagkakalapot ng arina.
  4. Ihelera sa platitong malaki ang tatlong hiwa ng saging. Sa bawat saging ay hiwain nang pakuwadrado at manipis.
  5. Buhusan sa ibabaw ang 3 kutsara na tinunaw na arina.
  6. Magpakulo ng maraming mantika sa kawali at magtakal ng ⅓ tasang maruya. Prituhin hanggang maluto at lumutong nang bahagya.
  7. Haguin ang patuluin. Budburan ng kaunting asukal sa ibabaw.