Pagluluto:Mango Chutney
Sangkap
baguhin6 | piraso | manggang hilaw, hiniwa |
1 | tasa | suka |
1 | kilo | asukal na pula |
½ | kutsarita | asin |
2 | katamtamang laki | siling berde, hiniwang pahaba |
2 | katamtamang laki | siling pula, hiniwang pahaba |
2 | piraso | siling haba, hiniwang pahaba |
1 | ulo | bawang , tinadtad |
1 | katamtamang laki | luya, hiniwang pahaba |
20 | piraso | sibuyas tagalog, hinati |
½ | tasa | pasas |
Paraan ng pagluto
baguhin- Sukatin ang mangga.
- Sa bawat tasa ng mangga, maghanda ng ¼ tasa ng suka, 1 tasa ng asukal na pula at 1 kutsarita ng asin.
- Pakuluin ito hanggang lumapot.
- Ihalo ang mangga, sili, bawang, luya at sibuyas.
- Lutuin nang 10 minuto o hanggang maging makunat-kunat ang mangga.
- Isama ang pasas.
- Isalin sa mga boteng malinis.
- Alisin ang mga bula at takpan.