Pagluluto:Macaroons
Sangkap
baguhin¼ | tasa | mantikilya |
½ | tasa | asukal |
4 | piraso | itlog (hiniwalay ang pula sa puti) |
½ | tasa | gatas kondensada |
4 | tasa | dessicated coconut |
½ | tasa | asukal |
Paraan ng pagluto
baguhin- Painitin ang oven sa 350°F.
- Lagyan ng paper cups ang mga maliit na muffin pan.
- Batihin ang mantikilya hanggang lumambot.
- Idagdag ang asukal.
- Isama ang pula ng itlog.
- Haluing maigi.
- Idagdag ang gatas at dessicated coconut.
- Sa mixer, batihin ang puti ng itlog.
- Idagdag ang asukal at batihin hanggang malapot.
- Masinsing ihalo sa binating mantikilya.
- Maglagay sa mga paper cups ng hindi gaanong puno.
- Isalang ng 20-25 minuto o hanggang pumula at mabuo.