Pagluluto:Lumpiang Sariwa
Sangkap
baguhinPalaman
baguhin¼ | tasa | mantika |
1 | kutsara | tinadtad na bawang |
½ | tasa | sibuyas, tinadtad |
¼ | kilo | giniling na baboy |
2 | tasa | toge |
1 | tasa | karots, hiniwang makitid at mahaba |
1 | tasa | repolyo, ginayat |
½ | kutsarita | asin pantimpla |
½ | kutsarita | paminta pantimpla |
1 | kutsarita | asukal pantimpla |
Lumpia wrapper
baguhin1 | piraso | itlog |
1 ½ | tasa | tubig |
1 | kutsarita | asin |
1 | kutsarita | mantika |
1 | tasa | sinalang arina |
Sarsa
baguhin2 | tasa | tubig o sabaw ng gulay |
½ | tasa | pulang asukal |
3 | kutsara | toyo |
1 | kutsarita | asin |
3 | kutsara | cornstarch |
3 | kutsara | tubig |
3 | kutsara | dinikdik na bawang, pinirito |
Paraan ng pagluto
baguhinPalaman
baguhin- Painitin ang mantika sa kawali at igisa ang bawang at sibuyas.
- Idagdag ang giniling na baboy at lutuin ng ilang minuto.
- Isama ang mga gulay.
- Timplahan ng asin, paminta at asukal ayon sa panlasa.
Lumpia wrapper
baguhin- Batihin ng bahagya ang itlog.
- Idagdag ang tubig, asin at mantika.
- Ibuhos ng dahan-dahan ang arina at batihin hanggang maging pino. Ito ang ating batter.
- Salain.
- Pahiran ng kaunting mantika ang teflon pan.
- Kapag mainit na ay magbuhos ng 2 kutsara ng batter.
- Hayaang kumalat hanggang matakpan nang buo ang kawali.
- Kapag humiwalay na ang mga gilid ay alisin na ang pambalot.
- Gawin ito para sa lahat ng batter.
- Itabi ang mga nalutong pambalot.
Sarsa
baguhin- Pag-arnibalin (caramel) ang asukal.
- Tunawin ang cornstarch sa 3 kutsara ng tubig. Ibuhos.
- Idagdag ang nalalabing mga sangkap maliban sa bawang.
- Lutuin hanggang lumapot.
- Isalin sa maliit na mangkok at ibudbod ang bawang.
Paghanda
baguhin- Maglatag ng isang pambalot sa isang pinggan.
- Maglagay ng 3 kutsara ng palaman sa gitna.
- Balutin.
- Dampian ng tubig o binating itlog para magsara.
- Ihain kasama ng sarsa.