Pagluluto:Lumpia Supremo
Sangkap
baguhin1 | tasa | giniling na baboy |
1 | kutsara | berdeng sibuyas, ginayat na pino |
½ | tasa | giniling na kabute |
½ | kutsarita | asin pampalasa |
1 | lata | tomato sauce |
3 | piraso | pambalot ng lumpia |
6 | piraso | maliliit na sibuyas |
1 | kutsara | siling berde, hinati-hating kuadrado |
1 | tasa | dinurog na tostadong tinapay (bread crumbs) |
Paraan ng pagluto
baguhin- Pagsama-samahin ang giniling, berdeng sibuyas, ilang kabute, sili, at asin.
- Hatiin sa dalawa ang mga pambalot ng lumpia.
- Balutan ng pambalot ang tinimplang giniling na may isang centimetro ang diametro.
- Putulin sa 2 pulgada ang haba.
- Ilubog ang magkabilang dulo sa itlog pagkatapos ay sa dinurog na tinapay at iprito.
- Alisan ng balat ang sibuyas.
- Igisa sa 1 kutsarang mantika ang siling berde.
- Idagdag ang tomato sauce at kaunting asin para magkalasa.
- Ayusin ang mga lumpia sa isang lanerang lutuan na may pagitang sibuyas.
- Buhusan ng Ketchup.
- Ihurno ng 10 minuto at ihaing mainit.