Pagluluto:Longganisa
Sangkap
baguhin1 | kilo | giniling na baboy (huwag haluan ng taba) |
½ | kilo | taba ng baboy, hiniwa nang pakuwadrado |
¼ | kutsarita | salitre |
5 | ulo | bawang, pinitpit |
3 | kutsara | asukal na pula |
¼ | tasa | toyo |
⅓ | tasa | suka |
1 ½ | kutsarita | asin |
2 | kutsarita | paprika |
1 | kutsarita | pamintang buo |
1 | kutsarita | siling pula, tinadtad |
1 | metro | sausage casing / pambalot ng longganisa / bituka ng baboy / |
Paraan ng pagluto
baguhin- Sa isang malaking mangkok, paghaluin ang lahat ng sangkap (maliban sa sausage casing).
- Palipasin ng isa hanggang dalawang oras.
- Pagkaraang ibabad ang karne, talian ng sinulid na pang-luto ang isang dulo ng sausage casing at dahan-dahang ipasok ang karne.
- Hatiin sa nais na laki ang longganisa sa pamamagitan ng pagtali ng mahigpit sa gitna ng longganisa.
- Itabi sa refrigerator ang longganisa at palipasin ang dalawang araw.
- Pagkaraan ng dalawang araw, maaari nang lutuin ang longganisa.
- Ilagay ito sa isang kawali.
- Buhusan ng ½ o 1 tasa ng tubig ang longganisa o hanggang malubog ang longganisa.
- Pakuluan sa mahinang apoy hanggang maubos ang tubig.
- Hayaang maluto sa sariling mantika ang longganisa.