Pagluluto:Lobster Newberg
Sangkap
baguhin2 | kilo | laman ng ulang, hiniwang pakuwadrado |
¼ | kutsarita | asin |
¼ | kutsarita | paminta |
¼ | tasa | katas ng lemon |
¼ | tasa | clarified butter |
1 | tasa | tinadtad na sibuyas |
½ | tasa | white wine |
2 | tasa | fish veloute |
½ | tasa | cream |
5 | pula ng itlog | |
½ | tasa | tinadtad na parsley |
Paraan ng pagluto
baguhin- Timplahan ang laman ng ulang ng asin, paminta at katas ng lemon.
- Painitin ang clarified butter at lutuin ang ulang.
- Isalin sa pinggan.
- Sa natitirang mantika, igisa ang sibuyas hanggang lumambot.
- Idagdag ang white wine at lutuin hanggang mangalahati.
- Isama ang veloute at nalutong ulang.
- Lutuin ng 5 minuto sa mahinang apoy.
- Paghaluin ang cream at mga pula ng itlog.
- Ihalo sa niluluto.
- Painitin ng hindi pinakukulo.
- Timplahan.
- Paibabawan ng tinadtad na parsley.