Pagluluto:Lengua Estofada
Sangkap
baguhin1 | buo | dila ng baka (mga 2 kilo) |
½ | tasa | cornstarch |
½ | tasa | toyo |
¼ | tasa | suka |
2 | kutsara | asukal na pula |
1 | piraso | sibuyas, hiniwa |
½ | kutsarita | pamintang buo, dinurog |
1 | kutsarita | dinikdik na bawang |
1 | tasa | mantikang pamprito |
4 | tasa | tubig |
½ | tasa | tomato sauce |
½ | tasa | olives |
1 | piraso | siling pula, hiniwang pahaba |
4 | piraso | saging na saba, hinati at pinirito |
Paraan ng pagluto
baguhin- Kuskusin ng cornstarch ang dila para matanggal ang lansa. Hugasan.
- Banlian sa kumukulong tubig at tanggalin ang madulas na balat.
- Linisang maigi.
- Ibabad sa toyo, suka, asukal, sibuyas, paminta at bawang nang 2 oras.
- Patuluin.
- Sa kawali magpainit ng mantika at iprito hanggang pumula.
- Hanguin.
- Bawasan ng kalahati ang mantika sa kawali.
- Ibalik ang dila at isama ang pinagbabaran at sapat na tubig.
- Palambutin ang dila.
- Ibuhos ang tomato sauce, olives, at siling pula.
- Pagkaluto ay hiwain ang dila, paibabawan ng sarsa.
- Palamutian ng saging na saba.