Pagluluto:Krema ng Sopas na Pipino
Sangkap
baguhin3 | katamtamang laki | ng pipino |
3 | kutsara | mantikilya |
1 | tasa | harina |
6 | tasang | binantuang gatas (3 tasang gatas evaporada at 3 tasang tubig) |
2 | binating pula ng itlog | |
1 | kutsarita | asin |
1 | pakete | soda crackers |
Paraan ng pagluto
baguhin- Talupan ang mga pipino, hati-hatiing pahaba, alisin ang mga buto at saka hiwain ng maninipis.
- Tunawin ang mantikilya sa lutuan at lutuin ang mga pipino hanggang sa nanganganinag subali't hindi mapula.
- Ilahok ang harina at haluing mabuti.
- Unti-unting idagdag ang gatas patuloy na hinahalo.
- Salain ang niluluto sa salaan at pakuluin uli sa lutuan.
- Lagyan ng kaunting asin.
- Alisin sa apoy at ilagay ang binating pula ng itlog.
- Ihain kasama ng soda crackers.