Pagluluto:Kilawing Kapampangan

Sangkap

baguhin
½ kilo kasim ng baboy, hiniwa ng maninipis
¼ kilo atay ng baboy, hiniwa ng maninipis
¼ kilo baga ng baboy, tinadtad
tasa toyo
½ tasa kalamansi
1 piraso sibuyas, hiniwa ng maninipis
4 butil bawang, dinikdik
1 kutsarita dinurog na paminta
1 piraso dahon ng laurel
½ kutsarita asin

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Ibabad ang kasim sa toyo at kalamansi sa loob ng 1 oras.
  2. Igisa ang bawang at sibuyas saka ilagay ang baga ng baboy at ang binabad na kasim, paminta at laurel.
  3. Pakuluin sa mahinang apoy.
  4. Kapag malambot na ang kasim ilagay ang atay at timplahan ng asin ayon sa panlasa.
  5. Hanguin kapag malambot na ang kasim at malapit ng matuyo ang sabaw.