Pagluluto:Kekiam
Sangkap
baguhin½ | tasa | giniling na karne ng baboy |
½ | tasa | tinadtad na bacon |
½ | tasa | tinadtad na hamon |
½ | tasa | carrots na hiniwang julienne |
½ | tasa | singkamas na hiniwang julienne |
1 | kutsara | tinadtad na bawang |
1 | kutsara | asukal na pula |
1 | kutsara | five-spice powder |
1 | kutsara | tinadtad na sibuyas na mura |
2 | kutsara | arina |
2 | piraso | itlog |
2 | kutsara | toyo |
¼ | kutsarita | asin |
¼ | kutsarita | paminta |
taupe o kekiam wrapper | ||
¼ | tasa | cornstarch na tinunaw sa |
1 | tasa | tubig |
1 | tasa | mantikang pamprito |
Sawsawan
baguhin1 | tasa | tubig o sabaw |
2 | kutsara | toyo |
2 | kutsara | asukal |
1 | kutsara | ketchup |
3 | piraso | siling labuyo, tinadtad |
2 | kutsara | cornstarch na tinunaw sa tubig |
Paraan ng pagluto
baguhin- Paghaluing maigi ang giniling, bacon, hamon, carrots, singkamas, bawang, asukal, five-spice powder, sibuyas na mura, arina, itlog, toyo at pantimplang asin at paminta.
- Pantayin ang gilid ng taupe wrapper para maging kuwadrado.
- Pahiran ng kaunting tinunaw na cornstarch.
- Maglagay ng 2 kutsara ng pinaghalong sangkap.
- Balutin na parang lumpia.
- Pasingawan hanggang maluto.
- Palamigin.
- Pahiran ng kaunting mantika.
- Iprito sa mainit na mantika hanggang lumutong.
- Paghaluin sa maliit na kaserola ang tubig, toyo, asukal, ketchup at sili.
- Pakuluin.
- Palaputin ng tinunaw na cornstarch.
- Timplahan ayon sa panlasa.
- Hiwain ang kekiam ng palihis.
- Ihain kasama ng sawsawan.