Pagluluto:Kare-kare (baka)

Sangkap

baguhin
 
1 piraso buntot ng baka (1 ½ kilo)
10 tasa kumukulong tubig
10 tasa malamig na tubig
1 ulo bawang, pinitpit
2 piraso sibuyas, tinadtad
4 piraso kamatis, tinadtad
2 kutsara atsuwete
1 tasa katamtamang lamig na tubig
4 kutsara peanut butter
1 pakete kare-kare mix
½ kilo pechay tagalog
¼ kilo abitsuwelas (baguio beans), hiniwa sa 1" ang haba
½ kilo bataw, hiniwa ng 2" pahilis
½ kilo sigarilyas, hiniwa ng 2" ang haba
1 tali sitaw, hiniwa ng 2" ang haba
1 piraso talong, hiniwa ng 2" ang haba at lapad
1 piraso puso ng saging, hiniwa sa 2" ang haba at kapal
1 ulo repolyo, hiniwa ng 2" ang haba at lapad
3 kutsara mantika
1 kutsarita asin

Paraan ng pagluto

baguhin

Para sa buntot ng baka

baguhin
  1. Ihulog ang hiwa-hiwang buntot sa kumukulong tubig. Dahan-dahan ito nang hindi ito mabanlian.
  2. Takpan at pabayaang kumulo sa loob ng 7 minuto.
  3. Hanguin at itapon ang sabaw.
  4. Linising mabuti ang buntot, kaskasin ang lahat ng dumi at alisin ang balahibo sa balat.
  5. Lamasin sa kaunting apog at hugasang mabuti.

Pagisa ng buntot

baguhin
  1. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa mantika.
  2. Takpan sa loob ng 3 minuto.
  3. Halu-haluin.
  4. Isama ang mga pira-pirasong buntot.
  5. Takpang muli sa loob ng 3 minuto.

Pagluto ng ibang sangkap

baguhin
  1. Sa malalim na lutuan, isalin ang nagisang buntot.
  2. Ibuhos ng malamig na tubig at takpan.
  3. Lutuin muna sa malakas na apoy.
  4. Pag kumulo na, halu-haluin, at hinaan ang apoy.
  5. Takpang muli hanggang lumambot ang buntot.
  6. Minsan-minsang haluin upang huwag manikit sa ilalim ng kaldero.
  7. Kapag malambot na ang buntot, isama ang kare-kare mix.
  8. Katasin ang atsuwete sa 1 tasang tubig, ihalo at ibuhos.
  9. Kapag kumulo ay isama ang bataw, sigarilyas, sitaw at puso ng saging.
  10. Halu-haluin at takpan sa loob ng 5 minuto.
  11. Isama ang peanut butter, halu-haluin at isama ang abitsuwelas (baguio beans) at talong. Takpan.
  12. Pagkaraan ng 3 minuto, isama ang repolyo, pechay at asin. Halu-haluin.
  13. Hinaan sa katamtamang apoy at pabayaang kumulo ng 3 minuto.
  14. Ihaing mainit kasama ng bagoong alamang o binagoongang baboy.