Pagluluto:Kare-kare (baboy)
Sangkap
baguhin2 | kilo | pata ng baboy, hiniwa sa katamtamang laki at pinalambot. |
3 | kutsara | mantika |
8 | butil | bawang, tinadtad |
1 | piraso | katamtamang laki ng sibuyas, hiniwa |
1 | kutsarita | patis pantimpla |
⅓ | tasa | dinurog na mani |
⅓ | tasa | dinurog na tinustang bigas |
1 | kutsara | katas ng atsuete |
2 | piraso | talong, hiniwang pahilis |
1 | tungkos | sitaw, hiniwang 3" ang haba |
1 | piraso | maliit na puso ng saging, hiniwa |
½ | tasa | bagoong alamang guisado |
Paraan ng pagluto
baguhin- Painitin ang mantika sa kaserola at igisa ang bawang at sibuyas.
- Timplahan ng patis ayon sa panlasa.
- Idagdag ang dinurog na mani at bigas.
- Ibuhos ang sabaw ng pata.
- Kulayan ito ng katas ng atsuete.
- Pakuluin at isama ang pinalambot na pata.
- Pakuluan hanggang lumapot ang sabaw.
- Isama ang mga gulay at palambutin.
- Ihain kasama ng ginisang bagoong alamang.