Pagluluto:Kalderetang Labahita
Sangkap
baguhin1 ½ | kilo | labahita, inalisan ng tinik at hiwain nang pakuwadrado |
⅓ | tasa | cornstarch |
6 | ulo | bawang, pinitpit |
1 | piraso | malaking sibuyas, hiniwa-hiwa |
1 | piraso | malaking patatas, hiniwa nang pakuwadrado |
1 | tasa | tubig |
1 | lata | spaghetti sauce, Italian style |
1 | piraso | katamtaman laking siling pula at berde (bell pepper), hiniwa nang pahaba |
½ | tasa | gisantes |
½ | kutsarita | iodized salt |
Paraan ng pagluto
baguhin- Budburan ng iodized salt ang isda.
- Prituhin ito hanggang pumula at ilagay sa isang tabi.
- Igisa ang bawang, sibuyas at patatas.
- Idagdag ang spaghetti sauce at tubig.
- Timplahan ng asin, toyo at paminta ng naayon sa panlasa.
- Pakuluan ng 15 minuto or hanggang lumambot ang patatas.
- Idagdag ang siling pula at berde, gisantes at isda.
- Maaring lagyan ng siling labuyo kung nanaising maanghang ang kaldereta.