Pagluluto:Jelly Roll Sponge Roulade

Sangkap

baguhin
10 piraso itlog, pinaghiwalay ang pula at puti
10 kutsara asukal
2 kutsara tinunaw na mantikilya
1 ¼ tasa cake flour
1 kutsarita vanilla
1 pakete orange o strawberry jelly

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Painitin ang oven sa 400°F.
  2. Sapinan ng brown paper ang isang jelly roll pan.
  3. Batihin ang puti ng itlog sa mixer hanggang tumigas.
  4. Isantabi.
  5. Sa ibang mangkok, batihin ang pula ng itlog kasama ng asukal hanggang lumapot.
  6. Ihalo ng dahan-dahan ang binating puti ng itlog, mantikilya, arina at vanilla.
  7. Isalin sa hinandang pan.
  8. IsaIang sa oven ng mga 20 minuto o hanggang maluto.
  9. Maghanda ng isang putol na brown paper.
  10. Budburan ng asukal.
  11. Baligtarin dito ang nalutong cake.
  12. PaIamanan ng jelly at igulong para maging jelly roll.
  13. Hiwain sa nais na kapal.