Pagluluto:Jardinera
Sangkap
baguhin2 | buo | dahon ng saging |
4 | kutsara | mantikilya |
4 | butil | bawang, tinadtad |
1 | piraso | malaking sibuyas, tinadtad |
½ | kutsarita | paminta |
1 | kilo | karne ng baboy, nilaga at hiniwang pakuwadrado |
¼ | kilo | atay ng manok, niluto at hiniwang pakuwadrado |
4 | piraso | hotdog, hiniwang pakuwadrado |
1 | piraso | chorizo bilbao, hiniwang pakuwadrado |
1 | tasa | tomato sauce |
1 | tasa | ginadgad na keso |
½ | tasa | pasas |
2 | tasa | pinatulong pineapple tidbits |
1 | tasa | tinatad na pickles |
2 | tasa | sabaw |
1 | tasa | breadcrumbs |
1 | tasa | arina |
1 | piraso | nilagang itlog, hiniwa |
1 | piraso | siling pula, hiniwang pahaba |
2 | piraso | hotdog, hiniwang pahilis |
2 | piraso | itlog |
Paraan ng pagluto
baguhin- Pahiran ng mantika ang 2 loafpans.
- Sapinan ng nilantang dahon ng saging.
- Sa kawali, painitin ang mantikilya at igisa ang bawang at sibuyas.
- Isama ang paminta, karne, atay, hotdog, chorizo, tomato sauce, keso, pasas, pinya, pickles at sabaw.
- Pakuluin at lutuin ng 20 minuto.
- Palaputin ng breadcrumbs at arina.
- Iayos ang hiniwang nilagang itlog, sili at hotdog sa dalawang loafpans.
- Batihin isa-isa ang itlog at ibubos sa mga pan.
- Hatiin ang nilutong karne at ilagay sa mga pan.
- Takpan ng aluminum foil o dahon ng saging.
- Ihurno sa oven sa init na 375°F o pasingawan nang 30-40 minuto.
- Palamigin at baligtarin sa bandehado.