Pagluluto:Inihaw na Sugpo

Sangkap

baguhin
½ kilo sugpo
1 kutsarita asin
½ kutsaritan paminta
¼ tasa mantika
1 ulo bawang, dikdikin

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Talupan ang mga sariwang sugpo, iwang nakakabig ang buntot.
  2. Hiwaan ang likod at alisin ang itim na bahagi.
  3. Timplahan ng mga pampalasa ang mga sugpo.
  4. Ilagay sa ihawan.
  5. Tunawin ang mantika at ilagay ang bawang.
  6. Isalin ang mantika at bawang sa mga tinimplahang hipon.
  7. Iihaw sa pugong may 400°F ang init (3 pulgada ang layo sa apoy) at lutuin ng mga 10-15 minuto.