Pagluluto:Hamonado
Sangkap
baguhin1 | kilo | pigue ng baboy, hiniwa nang manipis na pang tapa |
1 | tasa | asukal na pula |
1 ⅓ | kutsarita | iodized salt |
⅛ | kutsarita | salitre |
1 | tasa | taba ng baboy, hiniwa nang manipis |
1 | piraso | katamtaman laking carrot, hiniwa nang pahaba |
2 | buo | pickles, hiniwa nang manipis |
1 | lata | pineapple chunks, sinala at tinabi ang sabaw |
1 | lata | pineapple juice |
Paraan ng pagluto
baguhin- Lamasin ang baboy sa pinaghalong asukal, asin at salitre.
- Ilatag ng salit-salit sa isang malaking plato ang karne, tapa ng baboy, carrot, pickles at pineapple chunks.
- Bilugin ang karne sa pamamagitan ng pagtali nito ng mahigpit gamit ang makapal na sinulid.
- Paghaluin ang tumulong katas ng baboy, sabaw ng pineapple chunks at pineapple juice at ibabad dito ang baboy ng magdamag.
- Kinabukasan, pakuluan ang karne ng 1 oras.
- Putulin ang sinufid at palamigin ng bahagya upang dumali ang paghiwa.
- Palamutian ng pinya ang ibabaw ng hamonado.