Pagluluto:Guyabano Cooler
Sangkap
baguhin1 | tasa | guyabano, tinanggalan ng buto |
2 | kutsara | katas ng kalamansi |
½ | tasa | asukal |
2 | tasa | kinaskas na yelo |
Paraan ng paghalo
baguhin- Paghaluin ang guyabano, kalamansi at asukal.
- Ilagay sa blender.
- Magdagdag ng yelo o malamig na tubig ayon sa nais na lapot.
- Haluin hanggang pino.
- Ihaing malamig.