Pagluluto:Goto Arrozcaldo
Sangkap
baguhin2 | tasa | malagkit na bigas |
2 | kilo | laman-loob ng baka, pinakuluan |
1 | litro | tubig |
1 | piraso | katamtamang laki ng sibuyas, hiwain ng pahaba |
1 | butil | bawang, dinurog |
1 | kutsarita | luya, hiwain ng pahaba |
1 | kutsarita | patis |
Paraan ng pagluto
baguhin- Magpainit ng mantika sa isang malaking kaserola.
- Kapag mainit na ang mantika, ilagay ang dinurog na bawang, hiniwang sibuyas at luya.
- Haluin ng konti hanggang ang ginisang sangkap ay mamula-mula na.
- Idagdag ang pinakuluang laman-loob ng baka at haluin ng mabuti.
- Lagyan ng tamang timpla ng patis ayon sa gustong alat. Patuloy na haluin.
- Ilagay ang bigas na malagkit.
- Patuloy na haluin hanggang ang mga sangkap ay nahalo nang mabuti.
- Kapag ang mga sangkap ay nahalo nang mabuti, dahan-dahang ibuhos ang 1 litrong tubig sa kaserola at haluin pa ng kaunti.