Pagluluto:Ginisang Ampalaya

Sangkap

baguhin
½ kilo ampalaya
¼ kilo hipon, tinalupan
¼ kilo baboy
1 piraso sibuyas
2 butil bawang
8 piraso kamatis na hinog
2 piraso itlog
3 kutsara mantika
1 tasa katas ng hipon (ulong dinikdik)

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Hiwain ang ampalaya sa karaniwang maninipis na pahilis matapos biyaking paayon at alisan ng buto.
  2. Talupan ang hipon.
  3. Hiwaing maliliit ang baboy.
  4. Ihaw ang kamatis at alisan ng balat at buto at tadtarin.
  5. Batihin ang itlog.
  6. Igisa ang bawang, sibuyas, at kamatis sa isang kawali o kaserola.
  7. Isunod ang baboy at hipon at ang katas ng hipon.
  8. Pakuluan hanggang sa lumambot ang baboy.
  9. Isunod ang ampalaya at bayaang kumulo.
  10. Timplahan ng patis.
  11. Kapag luto na ang ampalaya ay ilagay ang itlog na binati.
  12. Saka lamang haluin at ihaing mainit.