Pagluluto:Gingerbread Cookies


Sangkap

baguhin
½ tasa molasses, itim
¼ tasa pulang asukal
¼ tasa puting asukal
2 kutsarita luya, pinatuyo at giniling
2 kutsarita cinnamon
1 kutsarita baking soda
¼ lb unsalted butter
1 buo itlog
3 tasa arina

Sangkap para sa icing

baguhin
1 tasa puting asukal
1 itlog, inalisan ng pula
¼ kutsarita katas ng lemon

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Pagsama-samahin sa kaldero ang molasses, pulang asukal, puting asukal, luya, at cinnamon at isalang sa may katamtamang init na apoy.
  2. Kapag natunaw na ang asukal, ilagay ang baking soda.
  3. Ipagpatuloy ang pagluluto sa katamtamang init hanggang magkaroon ng maliliit na bula ang niluluto.
  4. Sa isang malaking lalagyan, paghaluin ang nilutong molasses at ang butter.
  5. Haluin hanggang matunaw ang butter.
  6. Dahan-dahang ihalo ang itlog.
  7. Gumamit ng hand mixer at ihalo ang 1 tasa ng arina para maging masa.
  8. Painitin ang oven hanggang 325°F.
  9. Takpan ang gagamiting lutuang baking sheets ng parchment paper.
  10. Lagyan ng arina ang mesa para sa masa ng ginger bread na may kapal na ¼ pulgada.
  11. Gumamit ng hulmahan ng cookies para sa gustong korte.
  12. Ilagay sa tinakpang baking sheets.
  13. Ipasok sa oven at lutuin ng 15 hanggang 20 minuto o hanggang ang mga cookies ay may katamtamang tigas na.
  14. Alisin ang cookies sa oven at hayaan ng 3 minuto sa baking sheets saka alisin at ilagay para palamigin sa wire racks.
  15. Dekorasyunan ng icing.

Para sa icing

baguhin
  1. Haluin ang asukal, puti ng itlog, at katas ng lemon.
  2. Batihing mabuti hanggang kumapal ang icing.
  • Ang lutuan ay para sa 12 cookies. Kung may magagamit na double boiler gamitin ito para maihalo ang molasses sa asukal na pula, asukal, at cinnamon.