Pagluluto:Ginataang Mais

Sangkap

baguhin
3 piraso niyog, kinudkod
½ kilo mais, binutil
12 tasa mainit na tubig, hiwa-hiwalay na tasa
1 ¼ tasa asukal
1 tasa malagkit na bigas, hugasang mabuti
½ kilo hiniwang langka
1 tasa bigas, hugasang mabuti

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Pigain ang niyog upang makuha ang gata. Ito ang unang piga. Itabi.
  2. Gawin ang pangalawang piga. Maglagay ng 4 na tasang mainit na tubig sa kinudkod na niyog at pigain.
  3. Para sa ikatlong piga, ilagay ang natitirang mainit na tubig at pigain upang makakuha pa ng gata.
  4. Pakuluan ang bigas at malagkit na bigas sa may ikatlong gata.
  5. Kung ang bigas ay nasa kalahati na ng pagkakakulom ilagay ang mga butil ng mais at ang ikalawang gata.
  6. Lutuin nang hinahalo.
  7. Alisin sa apoy. Ilagay ang asukal, langka at kaunting gata mula sa unang piga.
  8. Magtabi ng gata mula sa unang piga upang ilagay sa ibabaw ng bawat ihahain.