Pagluluto:Fruit Cocktail

Sangkap baguhin

1 katamtamang laki pinya
1 katamtamang laki manibalang na papaya
2 katamtamang laki singkamas
2 piraso hinog na saging na saba, nilaga
2 piraso hinog na mangga
1 tasa minatamis na kaong, pinatulo
1 tasa minatamis na nata, pinatulo
4 tasa asukal
4 tasa tubig

Paraan ng paghalo baguhin

  1. Hiwaing pakuwadrado ang pinya, papaya, singkamas, saging at mangga.
  2. Ihalo dito ang kaong at nata.
  3. Pakuluan sa pinaghalong asukal at tubig hanggang mag-syrup.
  4. Palamigin.