Pagluluto:French Onion Soup
Sangkap
baguhin½ | kutsara | mantika |
¼ | kilo | sibuyas, hiniwa |
8 | tasa | beef consomme |
½ | kutsarita | dinurog na paminta |
1 | piraso | dahon ng laurel |
1 | kutsarita | asin |
8 | hiwa | French bread |
1 | tasa | ginadgad na Parmesan cheese |
Paraan ng pagluto
baguhin- Sa isang kaserola, painitin ang mantika at papulahin ang mga sibuyas.
- Ibuhos ang consomme at pakuluin.
- Hinaan ang apoy.
- Timplahan ng paminta, laurel at asin.
- Isalang sa mahinang apoy ng isang oras.
- Paibabawan ng keso ang tinapay.
- Tustahin sa oven hanggang lumutong.
- Magsandok ng mainit na sabaw sa mga mangkok.
- Paibabawan ng tinapay.