Pagluluto:French Fries
Sangkap
baguhin6 | piraso | malalaking patatas |
4 | tasa | canola o vegetable oil (pamprito) |
1 | kutsara | asin |
Paraan ng pagluto
baguhin- Balatan ang patatas. Hiwain ito ng tig-¼ pulgada.
- Ibabad ito sa isang mangkok na may tubig at yelo sa loob ng 30 minuto.
- Sa isang malaking kaserola, magpainit ng canola o vegetable oil.
- Prituhin ang patatas hanggang sa ito’y lumutong.
- Hanguin at salain ang sobrang mantika sa paper towel.
- Muling ibalik sa mas mainit na mantika ang patatas.
- Ito’y mainam na paraan upang maging malutong at lalong sumarap ang french fries.
- Isawsaw sa garlic dip o thousand island dressing.