Pagluluto:Estopadong Baboy
1 ½ | kilo | karne ng baboy |
½ | tasa | toyo |
¼ | tasa | suka |
3 | butil | bawang, tinadtad |
2 | kutsara | pulang asukal |
1 | piraso | sibuyas, hiniwa |
6 | piraso | pamintang buo, dinikdik |
1 | tasa | mantika |
½ | tasa | tomato sauce |
½ | tasa | aseytuna |
2 | piraso | Chorizo Bilbao style, hiniwa |
1 | piraso | pimiento, hiniwang pahaba |
4 | piraso | saging na saba, inapat at pinirito |
Paraan ng pagluto
baguhin- Ibabad ang karne sa toyo, suka, bawang, asukal, sibuyas, at paminta nang 1 hanggang 2 oras.
- Patuluin ang binabad na karne at iprito hanggang matusta.
- Hanguin. Alisin ang mantika at ibalik ang karne.
- Idagdag ang tomato sauce, aseytuna, chorizo at pimiento.
- Lutuin ng ilang minuto.
- Ihain kasama ang piniritong saba.