Pagluluto:Estopado

Sangkap

baguhin
1 kilo baboy
2 tasa tubig
1 tasa suka
1 tasa asukal
1 piraso sibuyas
3 ulo bawang
2 piraso saging na saba
1 kupitang hinyebra

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Pipirituhin ang karne.
  2. Ang mga natirang karneng prito ay maaaring gamitin sa lutong ito.
  3. Ang asukal na may kaunting suka ay susunugin sa isang kaserola.
  4. Kapag nangangamoy na ang sunog na asukal, ilahok ang natitirang suka at tubig, batihing mabuti at ito ang gagamiting pinakasabaw.
  5. Maghanda ng isang palayok at ang puwit sa loob ay lalagyan ng asad, upang huwag mangapit sa puwit ang niluluto.
  6. Sa palayok na ito’y sabay-sabay na ilalagay ang lahat na magkakahalo, gayon din ang pinakasabaw na may sinunog na asukal.
  7. Takpang mabuti ng nilaib na dahong saging upang huwag makasingaw.
  8. Pagkakulo ay babawasan ang gatong at pababayaan sa atay-atay na apoy hanggang sa lumambot ang karne.