Sangkap

baguhin
1 tasa malagkit na bigas
4 tasa galapong, tinusta
2 tasa asukal
1 tasa gata ng niyog
1 ½ tasa tinustang kinayod na buko

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Isaing ang malagkit na bigas.
  2. Ilagay ang asukal at gata ng niyog sa kawali.
  3. Pakuluin hanggang lumapot.
  4. Idagdag ang tinustang kinayod na buko at lutuin ng 3 minuto.
  5. Idagdag ang sinaing na malagkit, haluin at lutuin hanggang lumapot.
  6. Hanguin at idagdag ang 3 tasang tinustang galapong (giniling na bigas).
  7. Haluin gamit ang sandok na kahoy at gilingin.
  8. Hatiin sa dalawang bahagi at biluhin (mga ¾ pulgada ang bilog)
  9. Gamitin ang natitirang galapong sa pagbibilot.
  10. Putol-putulin ng apat na pulgada ang haba bawat isa.