Pagluluto:Eggplant Parmigiana

Sangkap

baguhin
2 kutsara mantika
2 butil bawang, tinadtad
1 piraso sibuyas, tinadtad
1 ½ tasa tinadtad na kamatis
½ kutsarita basil
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta
2 piraso itlog
2 kutsara gatas
1 tasa breadcrumbs
4 piraso talong, hiniwang manipis na pahaba
½ tasa mantika pamprito
¾ tasa ginadgad na Parmesan cheese
1 pakete mozzarella cheese (200 gramo), hiniwang manipis

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Sa isang kawali, painitin ang mantika at igisa ang bawang at sibuyas.
  2. Isama ang kamatis at basil.
  3. Sangkutsahin.
  4. Timplahan.
  5. Isantabi.
  6. Sa isang mangkok, hatihin ang itlog kasama ng gatas.
  7. Ilagay ang breadcrumbs sa isang pinggan.
  8. Ilubog ang bawat hiwa ng talong sa itlog at pagkatapos ay pabalutan ng breadcrumbs.
  9. Dalawang beses ito gawin.
  10. Magpainit ng mantika sa kawali.
  11. Prituhin ang mga talong hanggang pumula.
  12. Patuluin ang sobrang mantika.
  13. Painitin ang oven sa 350°F.
  14. Pahiran ng mantikilya ang isang baking pan.
  15. Ilagay ang kalahati ng piniritong talong sa baking pan.
  16. Paibabawan ng kalahati ng ginisang sangkap, kalahati ng Parmesan cheese at kalahati ng mozzarella cheese.
  17. Ulitin uli ang pagpatong ng mga sangkap.
  18. Lutuin sa oven ng 20-25 minuto.