Pagluluto:Deviled Eggs
Sangkap
baguhin6 | buo | itlog |
2 | kutsara | mayonesa |
1 ¼ | kutsarita | mustard |
1 | tangkay | dahon ng sibuyas, hiniwa nang manipis na pahaba (alisin ang puting bahagi) |
1 | tasa | parsley, tinadtad |
½ | kutsarita | pamintang durog |
½ | kutsarita | asin |
paprika |
Paraan ng pagluto
baguhin- Ilaga ang itlog.
- Kapag malapit nang kumulo ang tubig, maingat na paikutin ang itlog gamit ang sandok.
- Ang paghalo ng itlog ay upang mailagay sa gitna ang pula nito.
- Pagkaraan ng 8 minuto, hanguin ang itlog at palamigin sa isang tabi.
- Hatiin ang itlog sa gitna.
- Maingat na alisin ang pula ng itlog mula sa puti.
- Ilagay sa isang tabi ang puti.
- Sa isang mangkok, ilagay ang pula ng itlog at durugin.
- Ihalo ang mayonesa at mustard hanggang sa ito'y lumapot.
- Idagdag ang parsley at paprika.
- Timplahan ng asin at paminta.
- Kunin muli ang mga puti ng itlog.
- Gamit ang kutsarita o pastry bag, maingat na ilagay sa ibabaw ng puti ng itlog ang nagawang timpla.
- Budburan ng kaunting paminta.
- Ayusin sa isang plato bago ihain.