Pagluluto:Crema de Fruta
Sangkap
baguhinCake
baguhin6 | piraso | itlog |
¾ | tasa | asukal |
1 ¼ | tasa | cake flour |
¼ | kutsarita | asin |
4 | kutsarita | tinunaw na mantikilya |
Custard Filling
baguhin1 | tasa | asukal |
⅓ | tasa | cake flour |
2 ¾ | tasa | sariwang gatas |
5 | piraso | pula ng itlog |
1 | kutsarita | vanilla |
Pang-ibabaw
baguhin1 | lata | fruit cocktail, pinatulo |
2 | kutsarita | unflavored gelatin |
2 | tasa | sabaw ng fruit cocktail o tubig |
Paraan ng pagluto
baguhin- Painitin ang oven sa 325°F
- Sa mixer, batihin ang mga itlog hanggang maging maliliit ang bula.
- Idagdag ang asukal at batihin hanggang lumapot.
- Masinsing ihalo ang arina, asin at mantikilya.
- Ibuhos sa isang 13 x 9 x 2 inch oven proof glass dish.
- Isalang sa oven nang 15-20 minuto o hanggang maluto.
- Palamigin.
- Sa double boiler, paghaluin ang mga sangkap ng custard filling.
- Lutuin hanggang lumapot.
- Palamigin at ibuhos sa ibabaw ng cake.
- Iayos ang fruit cocktail sa ibabaw nito.
- Tunawin ang gelatin sa sabaw ng fruit cocktail o tubig.
- Isalang sa apoy para tuluyang matunaw.
- Palamigin ng bahagya at saka ibuhos sa cake.
- Itabi sa repridyerator para mabuo.