Pagluluto:Creamed Eggs and Asparagus
Sangkap
baguhin3 | kutsara | mantikilya |
3 | kursara | arina |
2 | tasa | gatas |
1 | kutsarita | asin |
¼ | kutsarita | pamintang puti |
5 | piraso | nilagang itlog, hiniwang pakuwadrado |
½ | kilo | lutong asparaus, hiniwang 1" ang laki. |
Paraan ng pagluto
baguhin- Painitin ang mantikilya sa kaserola.
- Ihalo ang arina at haluin ng maigi.
- Ibuhos ang gatas.
- Lutuin hanggang bahagyang lumapot habang tuloy-tuloy na hinahalo.
- Timplahan.
- Isama ang itlog at asparagus.
- Lutuin pa ng ilang minuto.
- Ihain kasama ng tinustang tinapay na pinahiran ng mantikilya.