Pagluluto:Cream of Corn Soup

Sangkap

baguhin
5 tasa gatas
5 tasa sabaw ng manok
2 tasa sariwang mais, ginayat
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta
white roux o beurre manie
1 tasa cream
½ tasa tinadtad na parsley

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Sa isang kaserola, paghaluin ang gatas, sabaw at mais.
  2. Pakuluin at timplahan.
  3. Hinaan ang apoy at lutuin hanggang lumambot ang mais. Salain.
  4. Pakuluin uli ang sabaw.
  5. Palaputin ng kaunting white roux.
  6. Isalang ng 15 minuto bago idagdag ang mais.
  7. Ihalo ang cream at parsley.