Pagluluto:Corned Beef na may Patatas
3 |
piraso |
patatas
|
4 |
kutsara |
mantikilya
|
3 |
tasa |
tinadtad na corned beef
|
1 |
tasa |
hiniwang sibuyas
|
1 |
kutsarita |
asin
|
½ |
kutsarita |
dinikdik na paminta
|
- Ilaga ng bahagya ang mga patatas.
- Pagkalaga saka talupan at kudra-kudraduhin.
- Tunawin sa kawali ang mantikilya.
- Igisa ang mga sibuyas.
- Pagkaraan ng mga ilang minuto, ihalo ang patatas at ipagpatuloy ang pagluluto sa mahinang apoy.
- Ihalo ang corned beef.
- Timplahan ng asin at paminta.
- Lutuin sa mahinang apoy ng ilan pang mga minuto.
- Haluing paminsan-minsan.