Pagluluto:Chorizo de Bilbao

Sangkap

baguhin
½ kilo giniling na baka
½ kilo giniling na baboy
¼ kilo taba ng baboy, tinadtad
¼ kutsarita salitre
2 kutsara iodized salt
2 kutsara asukal
3 kutsarita pamintang durog
1 ulo bawang, tinadtad
¼ tasa pimento
¾ tasa mantika
pinatuyong bituka ng baboy (longganisa casing)


Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Lutuin sa mantika ang bawang.
  2. Ilagay ang bawang at mantika sa giniling na baka kasama ang giniling na baboy at taba ng baboy.
  3. Ihalo ang natitirang sangkap at haluing maigi.
  4. Maingat na ilagay ang nahalong sangkap sa loob ng longganisa casing.
  5. Dapat ay 4 na pulgada ang haba ng isang chorizo.
  6. Iimbak ito sa refrigerator ng 3 araw.
  7. Sa ika-4 na araw, alisin na sa refrigerator ang chorizo at ilagay sa kawali.
  8. Buhusan ng tubig at pakuluan ng 10 minuto.
  9. Sundutin ng tinidor upang lumabas ang hangin mula sa chorizo.
  10. Hanguin at patuluin. Itabi ang sabaw ng pinagkuluan.
  11. Ibilad sa ilalim ng araw o patuyuin sa hurno ng 200°F ng 2 oras.
  12. Ilagay muli sa kawali, ibalik ang sabaw ng pinagkuluan.
  13. Magdagdag ng mantika.
  14. Pakuluan hanggang matuyo at maiwan ang taba.
  15. Bali-baliktarin habang niluluto upang hindi dumikit sa kawali.
  16. Palamigin at ilagay sa lalagyan na may takip.
  17. Ibuhos ang mantika ng pinagprituhan.
  18. Maari ng iimbak sa refrigerator ang chorizo.