Pagluluto:Chocolate Cake

Sangkap

baguhin

1 tasa cocoa powder

2 kutsara instant coffee

1 tasa ng mainit na tubig

1 tasa ng gatas na ebaporada

3 tasa ng harina

2 kutsaritang baking soda

1 kutsarita baking powder

1 tasa ng mantikilya

2 ½ tasang asukal

4 piraso itlog

1 kutsarita vanilla

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Painitin ang oven sa 350°F.
  2. Pahiran ng kaunting shortening o mantika ang isang 13 x 9 x 2" na rectangular pan at pagkatapos ay sapinan ng wax paper.
  3. Tunawin ang cocoa powder at kape sa mainit na tubig.
  4. Ihalo ang gatas.
  5. Itabi.
  6. Sa isang mangkok, paghaluin ang arina, baking powder at baking soda.
  7. Sa ibang mangkok, batihin ang mantikilya hanggang lumambot.
  8. Ihalo ang asukal at batihing maigi.
  9. Isa-isang idagdag ang itlog.
  10. Batihing maigi bago ihalo ang vanilla.
  11. Salitan na ihalo ang arina at pinaghalong gatas at cocoa, simulan sa arina.
  12. Haluin ng mabuti bago isalin sa baking pan.
  13. Lutuin sa oven ng mga 45 minuto o hanggang malinis nang lumabas ang toothpick na tinusok sa gitna ng cake.
  14. Palamigin sa wire rack ng 10 minuto bago baligtarin.
  15. Hiwain sa nais na laki.