Pagluluto:Chocolate Bavarois

Sangkap

baguhin
2 kutsara unflavored gelatin
1 ¼ tasa tubig
1 tasa gatas ebaporada
3 piraso itlog, hiniwalay ang pula sa puti
¾ tasa asukal
¼ tasa chocolate sauce o syrup
1 kutsarita vanilla
½ tasa whipped cream

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Tunawin ang gelatin sa ¼ na tasang tubig.
  2. Ihalo ang natitirang tubig sa gatas at painitin ng hindi pinakukulo.
  3. Sa mangkok, batihin ang pula ng itlog kasama ng asukal.
  4. Ihalo ang pinainit na gatas.
  5. Lutuin hanggang lumapot, habang tuloy-tuloy na hinahalo.
  6. Alisin sa apoy at ihalo ang tinunaw na gelatin.
  7. Ipatong ang mangkok sa kaserolang may yelo para madali itong mapalamig.
  8. Paglamig ay lalapot ang nalutong sangkap.
  9. Ihalo ang chocolate sauce at vanilla.
  10. Sa ibang mangkok, batihin ang puti ng itlog hanggang stiff peaks stage.
  11. Dahan-dahang ihalo sa chocolate mixture.
  12. Isama ang whipped cream.
  13. Isalin sa hulmahan at palamigin sa repridyerator hanggang mabuo.
  14. Tanggalin sa hulmahan at ihain.