Pagluluto:Chilled Asparagus Soup
Sangkap
baguhin1 | tasa | hiniwang sariwang asparagus |
4 | tasa | malinis na tubig |
½ | kutsarita | asin |
½ | kutsarita | paminta |
1 | kutsara | mantikilya |
2 | kutsara | arina |
1 | tasa | cream |
½ | tasa | tinustang almonds |
Paraan ng pagluto
baguhin- Lutuin ang asparagus sa tubig na tinimplahan ng asin at paminta.
- Paglambot ay hanguin.
- Ilagay sa blender kasama ng kaunting gatas o cream.
- Gilingin hanggang pumino.
- Painitin ang mantikilya at ihalo ang arina.
- Lutuin ng ilang minuto ngunit huwag papulahin.
- Ito ang white raux na gagamiting pampalapot ng sabaw.
- Pakuluin ang pinaglagaan ng asparagus.
- Palaputin ng sapat na white raux.
- Ihalo ang giniling na asparagus at lutuin ng 5 minuto.
- Isama ang cream at pagkatapos ay alisin sa apoy.
- Palamigin sa repridyerator.
- Ihaing malamig na malamig sa mga mangkok.
- Palamutian ng kaunting binating cream at almonds.