Pagluluto:Chicken Soy Sauce
1 |
buo |
manok, hinati sa dalawa
|
½ |
kilo |
hita ng manok
|
¾ |
tasa |
toyo
|
1 |
kutsara |
rice wine
|
1 |
kutsara |
pamintang buo
|
2 |
tangkay |
sibuyas na mura
|
2 ½ |
tasa |
tubig
|
½ |
kutsarita |
cloves
|
3 |
hiwa |
luya
|
¼ |
tasa |
asukal
|
½ |
kutsarita |
kanela o sesame oil
|
- Linisin ang manok, hugasan at patuluin.
- Paghaluin lahat ng sangkap para sa sarsa.
- Ilagay sa malaking kaserola at isalang ng 20 minuto.
- Ilagay ang manok at paliguan ng sarsa.
- Takpan ang kaserola at hayaang maluto ng 10 minuto.
- Baligtarin ang manok at lutuin ng 10 minuto pa.
- Patayin ang apoy.
- Hayaan ang manok sa loob ng kaserola nang 20 minuto.
- Ilagay ang manok sa sangkalan at putulin sa maliliit na piraso.
- Ilagay sa bandehado at pahiran ng sesame oil.
- Ibuhos ang natirang sarsa.