Pagluluto:Chicken Mami

Sangkap

baguhin
6 ulo bawang, tinadtad
2 tasa Chinese-style mami
1 tasa manok, pinakuluan at hiniwa ng pakuwadrado
1 buo nilagang itlog, hiniwa-hiwa
¼ tasa vegetable oil
¼ tasa dahon ng sibuyas, tinadtad
5 tasa sabaw ng manok
1 kutsara patis
½ kutsarita asin
½ kutsarita pamintang durog

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Painitin ang mantika sa isang kawali at prituhin ang bawang.
  2. Patuluin ang sobrang mantika at itabi.
  3. Ilagay ang mami sa mainit na tubig na may asin.
  4. Ilagay sa isang tabi.
  5. Sa isang kaserola, ibuhos ang sabaw ng manok at pakuluin.
  6. Timplahan ng asin at paminta.
  7. Ilagay sa isang mangkok ang mami.
  8. Idagdag sa ibabaw ang manok, itlog at dahon ng sibuyas.
  9. Ilagay ang mainit na sabaw sa mangkok at palamutian ng prinitong bawang.